TULA
NORDIS WEEKLY
June 11, 2006

 

Home | To bottom

Previous | Next
 

Hindi ka mawawalay

Ni ALDWIN QUITASOL

Pinatay ka nila
Pero hindi ka mawawala…
Sa aming puso, at sa aming diwa…

Nagawa nga nilang ika’y patumbahin,
Ngunit mga itinanim mo’y lalago at lalago pa rin.
Dahil ang masa, patutuloy na kikilos,
Parang sa ilog na umaagos.
Hinahanap ang daan patungo sa karagatan,
Sa laot ng kalayaan.

Manong, higit sa lahat… kadwa,
IIyak kami, oo… dahil patay ka na.
Ngunit ang aming pagtangis may katumbas na poot,
Galit hindi lamang sa mga taong kumuha ng buhay mo.
Mas pa sa bulok na sistemang sanhi ng iyong pagkamatay.
Na tulad sa isang may kanser na nakaratay.

Darating ang takdang panahon,
Katarunga’y makakamit kung hindi pa ngayon.
Magbabayad sila kasama ng kanilang panginoon,
Tunay na sigaw ng bayan ay dadagundong. #

Post your comments, reactions to this article


Home | Back to top

Previous | Next