NORDIS WEEKLY
April 16, 2006

 

Home | To bottom

Previous | Next
 

Wakasan*

Ni ANGELICA CAMPO

Sabihin mang di kaning isusubo’t
kapagdaka’y iluluwa,
kung minsa’y nalalaslas din
ang mga labi
sa paglalambing ng sumpa.
Sementado man ang tahana’y
di ito nangangahulugang
kailangang manatili sa piitan
kung nauna nang mag-alsa balutan
ang mga langgam.

*para sa mga inang tumetelegrama pa rin sa komiks ng kani-kanilang mga salamin

Post your comments, reactions to this article


Home | Back to top

Previous | Next