|
NORDIS
WEEKLY April 9, 2006 |
|
Previous | Next |
||
Presyo ng tabako itaas — Stop-Ex |
||
VIGAN CITY (Abr. 7) — Isandaang magsasaka ng llocos ang nanguna sa pagsulong sa kampanyang tabako. Serye ng rnga aktibidad tulad ng asembleya sa mga munisipyo at barangay, educational discussions, diyalogo at martsa rally ang nagpatingkad sa kampanya. Kasama sa panawagan ang pagtaas sa presyo ng tabako, pagbawi sa mga kinanselang Certificate of Land Transfer (CLT) at katarungan sa mga biktima ng terorismo ng estado. Ayon kay Zaldy Alfiler, pangkalahatang kalihim ng Solidarity of Peasants Against Exploitation (Stop-Ex), tuluy-tuloy ang paghihirap ng mga magsasaka sa rehiyon sa ilalim ng rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa pagkakatali ng rnga magsasaka sa pyudal na kalagayan. Ayon pa kay Alfiler, malaking bilang ng magsasaka ng llocos ay wala o kulang ng lupa. Sa halip na mamahagi ang gobyerno ng lupa sa programang reporma sa lupa, kinansela nito ang CLT. Maraming magsasaka ang nawawalan ng lupa dahil sa pagkansela sa mga CLT tulad ng nangyari sa Cabugao at San Juan, llocos Sur. Sa gitna ng matinding krisis pang-ekonomya ng bansa, matinding hagupit rin ang nararanasan ng mga magsasaka, ayon kay Avelino Dacanay, tagapangulo ng Stop-Ex. Aniya, taun-taon nadaragdagan ang maraming magsasakang walang kita dala ng mababang buying price ng kanilang mga produkto at walang katapusang pagtaas ng presyo ng mga farm input. Ayon sa pananaliksik ng Stop-Ex, noong nagdaang Oktubre, P9.50 kada kilo ng palay ang bili ng mga negosyante sa kabila ng mataas na bayad ng pagpapatraktor at maging ang gastos sa abono at pestisidyo. Dagdag pa rito, tinataya ng Stop-Ex na 50% rin ang naging pinsala sa mga tabako noong mga nagdaang buwan bunsod ng sunud-sunod na pag-ulan noong Enero. Samantala, ayon sa National Tobacco Administration (NTA), tinatayang P150 milyon ang nawala dahil sa nasabing pag-ulan noong Enero. Upang punan ang pagkalugi ng mga magsasaka, nagkaloob ang NTA, Land Bank at si Representative Eric Singson ng Ikalawang distrito ng llocos Sur ng P50 milyon at P25 rnilyon na pautang para sa rnga magsasaka. Gagamitin ang nasabing pautang upang makakuha ng mga tabakong itatanim para sa susunod na taniman at punan ang mga gastos ng mga magsasaka sa kanilang pagtatanim. Sa tantya ng Stop-Ex, P85 kada kilo ang nararapat na maging halaga ng tabako upang makabawi ang isang magsasaka sa mga gastusin nito. “Higit kumulang P67.230.45 ang gastos sa produksyon ng tabako. Kung hindi kami mananawagan ng P85 kada kilo, tiyak na hindi makakabangon ang mga magsasaka sa pagkalugi nito.” sabi ni Alfiller. Ayon kay Dacanay, isa pa sa mga nagpapahirap sa mga magsasaka ang tumitinding terorismo ng estado. Aniya nagdulot ng matinding takot at paglabag sa karapatang pantao ang dulot ng malawakang pagdeploy ng mga sundalo sa mga baryo sa Ilocos. Kinondina rin niya ang pagpasalang ng mga hinihinalang elemento ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kina Romy Sanchez, Pepe Manegdeg at Albert Terredano, na itinuturing na mga bayani ng mga magsasaka. Noong nagdaang Marso 24, nagsimula ang kampanyang tabako sa isang martsa-rally. Sa kabila ng banta ng dispersal, hinimok ng mga lider ng Stop-Ex ang mamamayan na makiisa, hindi lamang sa pagsulong ng kampanya sa tabako kundi maging sa pagpapatalsik kay GMA. Hinimok din ng grupo ang mga magsasaka na patuloy na pahigpitin ang kanilang pagkakaisa upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan. # Rod Tajon for NORDIS Post your comments, reactions to this article |
||
Previous | Next |