Statement: Multi-milyong kita ng UB, sobra pa sa sapat!

By ANAKBAYAN UB CHAPTER
www.nordis.net

Nitong Pebrero lamang ay nagpahayag ang University of Baguio (UB) administration ng kanilang intensyong mag-taas ng Tuition fee sa susunod na semestre. Ayon sa UB admin,ang 15% proposed tuition fee increase ay nararapat lamang dahil hindi sila nagtaas ng tuition fee noong nakaraang taon at kinakailangan daw ito sa pagsasaayos ng ilang pasilidad sa loob ng unibersidad. Nakapagtatakang sa kabila ng multi-milyong kita ng UB Admin ay hindi nito matustusan ang pangangailangan at kinakailangan pang ipasa sa balikat ng estudyante ang responsibilidad na sila dapat ang gumagampan.

Kapitalista-Edukador
Ang UB Admin ay nagkakamal ng milyun-milyong piso taun-taon.Nitong nakaraang taon ay may net income ito na higit sa P24 M. Ang ating ibinabayad para sa tuition at miscellaneous fees ay napupunta sa Operating Expenses sa sahod ng mga empleyado at pagmantina ng mga pasilidad ng unibersidad.Ngunit bakit ipinapasan sa atin ang mga kwestiyonableng babayarin sa Aniversary Expenses and Awards,Advertising and Promotion at Athletics, na walang klarong detalye kung saan nga ba napupunta ang mga ito. Sa gitna ng tumitinding krisis sa ekonomiya at sa pulitika ay tila walang damdaming nagdagdag ng pabigat ang UB admin sa ating mga magulang na “kayod-kabayo” sa kanilang mga trabaho upang tayo ay mapag-aral at maiangat ang ating buhay mula sa kahirapan.Sa papaanong paraan na ang isang Educational Institution ay walang pinagkaiba sa mapagsamantalang mga kapitalistang kumpanya?Ang edukasyong dapat sana ay isang serbisyong panlipunan ay nagmistulang isang malakihang negosyo.

Bulok at kulang-kulang na serbisyo
Umuugang silya,mga pintong nagkakalampagan dahil sira ang lock,siksikan sa cr,kulang na gamot sa clinic at iba pa,ilan lamang yan sa kakulangan ng serbisyo sa UB.Kasama pa rin sa P3,336 na binabayaran sa miscellaneous fee ang P70 para sa ID na validation sticker lamang ang pinapalitan,SB fee na P200,medical at dental fees na hindi naman natin nagagamit ng husto at hindi malaman kung saan nga ba napupunta ang mga ito. Ano pa ang silbi ng pagbabayad ng napakataas na tuition fee kung bulok naman ang mga pasilidad na ginagamit natin?Para san pa ang miscellaneous fee kung kulang naman ang ating serbisyong natatanggap?

Nakapakong sahod
Habang kumikita ng multi-milyong tubo ang UB admin,tila ba nakapako sa lupa ang sahod ng mga empleyado at guro ng UB.Nananatiling mababa ang sahod kahit sobra na ang tinutubo ng UB admin.Ang perang nakalagak para sa sahod ng mga empleyado at guro ay nakakonsentra sa kamay ng kanilang mga Big Boss.
ating tungkulin

Napatunayan sa mahabang panahon ang pagiging utak-kapitalista ng UB admin at susugal sila sa lahat ng paraan ng pagmamanipula sa kanilang pamumuno upang mapanatili ang kanilang hndi makatarungang hangarin.Huwag nating hahayaang ang ating karapatan para sa isang abot-kayang edukasyon ay ipagkait sa atin.Tanging ang matibay na pagkakaisa natin bilang mga estudyante ng UB ang ating sandata para ipagtanggol ang ating karapatan at panangga sa bigwas ng pagsasamantala ng admin.Maging mapagbantay sa posibleng maniobra ng admin.
Makipagkaisa sa mga tunay at palaban na organisasyon at sa mga empleyado at guro ng UB.Pag-aralan ang bawat hakbang upang,maglingkod para sa interes ng estudyante,at mangahas na lumaban! # nordis.net

Share