
Letters: Liham hinggil sa kalagayan ng magsasaka sa Jones, Isabela
Kami ay nababahala sa aming nakita at naranasan sa dalawang araw na pakikisalamuha sa mga magsasaka sa komunidad. Balisa sila dahil hindi pa nakakabawi sa malalalang pananalasa ng bagyong Ompong. Nasira ang 70% hanggang 100% ng kanilang pananim na mais na tangi nilang ikinabubuhay.