Currently browsing category

Banner Story

Takot hatid ng militar sa Isabela

JONES, Isabela — Nagdulot ng takot at pangamba sa ng mga residente at mga lokal na opisyal ang mala-Martial Law na kalagayan sa Barangay Sta. Isabel, Jones, Isabela sanhi ng pagdating at paghimpil ng pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula pa noong Hulyo. Ang presensiya ng militar ay bahagi umano ng pagpapaigting nila ng operasyon laban sa New People’s Army at pagpapatupad ng Community Support Program (CSP)sa ilalim ng Oplan Kapayapaan ng administrasyong Duterte.