Kalbaryo ng Samabayanan iprinusisyon
April 24, 2011 in Baguio City, Featured
By ADELA DEYAEN
www.nordis.net
BAGUIO CITY — Isang progresibong prosisyon at paggunita ang isinagawa ng mga progresibong grupo bago ang araw ng Seman Santa, ika-20 ng Abril, Miyerkules.
Sabi ni Gerry Cacho ng Organisasyon dagiti Nakurapay nga Umili iti Syudad (ORNUS), kanilang isinagawa ang prosisyon ng crucifixion of Jesus dahil patuloy din umanong dinadala ng sambayanang Pilipino ang paghihirap mula sa mga mapang-aping estado at naghaharing uri. Aniya, ang mga isyu ng lipunan na siyang kinasasadlakan ng mga Pilipino ay nararapat lamang talakayin sa 7 estasyon ng prusisyon.
Ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU) at ORNUS patuloy ang paghihirap ng samba-yanang Pilipino hangga’t di sila pinakikinggan ng gobyerno. Dahil sa patuloy na pagsa-sawalang bahala ng gob-yernong pakinggan ang mga hinaing ng mga mahihirap na mamamayan, patuloy na lumalala ang pagsasamantala at pang-aapi, dagdag pa nila.
Ang mga isyu ay tinalakay ng mga iba’t ibang sektor ng syudad.
Ang tuloy-tuloy na pag-taas ng presyo ng langis, ayon sa pangulo ng Pinag-kaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) Metro Baguio Carlito Wayas, ang siyang dahilan ng pagtaas ng mga pangunahing pangangailan at serbisyo publiko.
Aniya ang huling pagtaas ng pamasahe ay walang silbi dahil namumulubi parin ang mga tsuper sa walang humpay na pagsirit ng presyo ng langis. Dagdag pa niya, hindi sapat ang subsidiyang isinusubo ng Pangulong Benigno Aquino III sa mga pampasaherong traysekel at dyip. “Ang kailangan ng mga tsuper ay pangmatagalang solusyon at hindi pang isang buwan lamang,” aniya.
Kailangang isabansa ang industriya ng langis at tanggalin ang Extended Value Added Tax sa presyo ng anumang produkto ng langis. Ayon sa kanya, ito ay solusyong maaaring maka-tulong sa papalalang kalagayan ng mga tsuper. Sinusuportahan umano ng PISTON ang House Bill 4355 na isinalang sa kongreso ni Bayang Muna Representative Teddy Casiño.
Kabilang din ang mga manggagawang pangkalusugan sa mga nagbahagi ng kanilang isyu. Nanawagan ang Community Health Education Services and Training in the Cordillera Region (CHESTCORE) na itigil na ang patuloy na panliligalig sa mga boluntaryong mga manggagawang pangkalusugan sa Cordillera.
Ayon sa CHESTCORE, ilan sa kanilang mga miyembro ang nakatanggap ng death threats sa kanilang mga cellphones mula sa mga di kilalang numero.
Binigyang diin ng CHESTCORE na patuloy pa rin silang magbibigay ng training sa mga komunidad lalong lalo na sa mga lugar na hindi inaabot ng mga serbisyo ng gobyerno.
Ayon kay Cacho ang mga manggagawa ng gobyerno ay natratraydor rin sa kanilang mga paggawa. Aniya kulang na kulang ang sahod ng mga manggagawa lalo pa at patuloy ang pagtaas ng mga bilihin.
Ang Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) ay kaisa din sa panawagan ng KMU sa paghingi ng dagdag sahod ng mga manggagawa.
Tinalakay din sa prusisyon ang mga isyu ng kapaligiran, pandarambong sa mga rekurso at ang patuloy na paglabag sa mga karapatang pantao at extrajudicial killings. Malaki rin ang epekto ng mga isyung ito sa mga kabataan, ani Cacho.
Nagbibigay ng kalbaryo ang mga ganitong isyu sa mga Pilipinong naghihikahos sa hirap, ani Cacho. Dagdag niya nagpapatuloy ang mga isyung ito dahil sa mga ganid sa gobyerno at mga mapag-samantalang tao.
Iniugnay rin ni Cacho ang pahayag ni Kristo “Ama, bakit mo ako tinalikdan?” sa pagsa-sawalang bahala ng gobyerno sa kanyang mamamayan. Katulad ni Kristo, uhaw pa rin sa demokrasya, katarungan at kapayapaan ang mga mama-mayan, dagdag pa ni Cacho.
Ani Cacho ang mga subsidhiya ng gobyerno ay di sapat at pantawid gutom lamang ito. Aniya kung pakikinggan ng gobyerno ang kanilang mga hinaing, magkakaroon ng seguridad ang bawat mama-mayan dahil ito ay pangmata-galang solusyon.
Ang aktibidad na ito ay pampaniit lamang sa mas malaking pambansang pagkilos sa Araw ng Paggawa sa Mayo Uno, ani Cacho. Magpapatuloy pa rin sila aniya sa pagprotesta hanggat magkaroon ng tunay at makabayang gobyerno. # nordis.net
Recent Comments