Gamit sa lengwahe
October 20, 2005 in general, stylebook
At bago tayo mag-alangan na mag-post dito dahil baka puro Ingles at ilang Pilipino lang ang nababasa natin at hindi tayo gaano matatas magsulat sa Ingles, o baluktot din mag-Tagalog, maigi din linawin agad na ang blog na ito — tulad ng mismong diaryo at website ng Nordis — ay bukas sa mga sulating multi-lingual.
Kung gayon, huwag tayo mag-alangan na sumulat sa Ingles, Pilipino, Ilokano, Kankanaey, Kalinga o iba pa, o halu-halo pa nga, kung doon tayo mas kumportable. Huwag din tayo masyadong magpasagka sa mga debate, kaguluhan at posibleng kamalian sa grammar, word usage at ispeling. Basta ang mahalaga ay makapagpahayag tayo ng ating mga kaalaman at pagtingin sa paraang accurate at klaro.
Sa kabilang banda, engganyuhin din natin ang patuloy na mga pag-aaral at diskusyon sa larangan ng lengwahe at estilo ng panulat. Ang kategoryang “stylebook” ay nakalaan para dito.
Recent Comments