Gerry De Guzman

August 27, 2006 in Baguio City, economy, social concerns

Gerry De Guzman
Sidewalk vendor, 44 years old
Interviewed by Johnny Fialen

Trabaho – sana gawing prayoridad ng mga kumukuha ng trabahador ang mga taga rito. Dapat gawan ito ng MOA ng lokal na gobyerno at mga establisyemento dito. Dumarami na ang mga tambay lang kaya dumarami rin ang gumagawa ng krimen gaya ng panghoholdap at pandurukot. Para sa akin ay ito ang isang paraan para maging tahimik ang isang lugar. Dapat ipatupad ang minimum wage at parusahan ang di nagpapatupad nito.

Mataas na bilihin – grabe na ang tuluy-tuloy na pagtaas ng bilihin. Kawawa na ang mga mababa lang ang sahod, hirap ibadyet ang pera. Sana palagi ring pinupuntahan ng DTI ang mga grocery stores para tignan ang mga presyo dito. Kung hindi ay magpatayo na lang ng kooperatiba na mababa lang ang mga presyo ng bilihin. Malaking tulong ito sa mga mahihirap.

Dami ng sasakyan – dahil sa dami ng sasakyan sa Baguio, grabe na ang trapik sa kalsada. Kung nag-aapura ka kahit magtaxi kung minsan ay aabot pa sa isang oras bago makarating sa puntahan. Isa pa, lumala na rin ang polusyon dahil sa usok ng mga sasakyan. Dapat lang na kontrolin ng gobyerno ang mga nagpaparehistro ng mga sasakyan at bantayan dahil marami ring gumagawa ng under-the-table na transaksyon. Halos lahat ng kalye dito ay may nakaparada kahit bawal at karamihan pa ay double parking. #

Share