Pokus: Sino ang dapat sisihin sa leakage ng nursing licensure exam?
August 27, 2006 in Baguio City, health, national, opinion, professionals
Ni JOHNNY FIALEN
Ang nangyaring leakage sa nursing exam ay isang malaking dagok sa kakayahan ng mga nursing student, at pati kinabukasan ng propesyon nila ay apektado na. Ang mga taong dapat sana maging modelo para sa mga kabataang propesyunal ay sila pa ang gumawa ng masama at lumikha ng malaking problema ngayon.
Kailangan seryosohin ang imbestigasyon sa kaso, lalo ang posibleng pagkasangkot ng mga opisyal ng Professional Regulatory Commission (PRC) at Board of Nursing, na siyang responsable sa mga licensure examination. Dapat lang maparusahan ang mga pasimuno sa nasabing leakage, upang maiwasan na parang ang buong batch ng nursing board examinees ay napaparusahan sa hindi nila kasalanan.
Abigail Casionan, 22, estudyante, Solano, Nueva Vizcaya. Kasalanan lahat ito ng PRC. Dapat lang diyan ituon ang pansin. Di dapat balewalain, kasi hindi iisa ang apektado. Kailangan managot ang mga nagkasala, para hindi pamarisan ng iba. Sabi nga nila, habang maliit pa ang buwaya, alisin na. Pag hinayaan na maging higante, mas lalong marami ang maaapektuhan at madadamay. Kung sa akin lang, dapat irevamp ang PRC na yan.
Russell Urbano, 32, magsasaka, San Jose City, Nueva Ecija. Amin koma nga estudyante a ket agrali ken idawat da a saanen a kasapulan ti re-exam, ta awan met ti basul da piman. Ken saan a solusiyon ti re-exam. Ti kasapulan ket no sino ti nagaramid iti kalukwan. Data re-exam ket kasla kalkaluban na laeng adiay talaga nga isyu, di ba?
Helen Tagfiano, 46, Barlig, Mt. Province. Masapul a paspasan da ti imbistigasiyon dita ta adu ti agur-uray nga estudyante ti marigrigatan ken aburido no ania ti aramiden da. Sapay koma ta awan ti mapasamak a hukos pukos tapno maikkan hustisya dayta a napasamak kadagiti awanan basul a basta lang nairaman.
Peter Siadungan, 24, estudyante, Nagtipunan, Quirino Province. Kadakayo a kakabsat nga estudyante, baknang ken marigrigat, saanen gamen masapul nga apan iti review center. Agself-review langen ta makaurnong ka pay. Mayat met ti re-exam tapno mai-clear da ti nagan da. Masapul met koma a maikkat dagiti tao nga nagaramid iti dayat a leakage.
Cherry Vidaña, 26, Bacolod City. Sabi nila, PRC at Board of Nursing ang sangkot sa leakage, dahil daw may CASH-onduan diyan. Lahat sana sila ay mablacklist. Lahat ng sangkot, pati mga review center na yan, alisan na ng lisensya.
Carolina Lamayo, 17, estudyante, Cagayan. Kawawa yung mga gradweyt kasi sigurado mahihirapan sila sa pag-apply ng trabaho. Naghirap at gumastos sila ng malaki, tapos palpak ang resulta ng exam. Nakakaasar. Dapat ikulong lahat yan ng habang-buhay, kasi sigurado matagal nang ginagawa yan.
Carolina Ramos, 19, estudyante, Baguio City. Di ako pabor sa re-exam, kasi sayang lang ang oras at pera. Paano na kapag bumagsak sa re-exam. Dapat valid ang mga nakapasa at mag-oath taking na sila para makapagtrabaho na rin. Sa mga gumawa ng leakage, sa mga nakinabang na review centers, sana maranasan din ng mga anak nila ang problemang kanilang ginawa. #
Ang nangyaring leakage sa nursing board exams na yan ay patunay lamang ng isang bulok na sistemang matagal nang kinakalawang! Sa kabila ng lahat hindi naman talaga board exam ang sukatan ng galing at talino ng isang nurse kundi ang kanyang kumitment sa kanyang sinumpaang paninilbihan sa lahat ng tao. dapat lamang na tanggalin ng tuluyan ang board exams sa nurses at pati na rin ang prc dahil dagdag lang na problema sa bulsa ng lahat ng nursing students sampu ng kanilang mga magulang na naghihirap iraos ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo! patapos na rin ako sa kursong psychiatric nursing at buti na lang walang board exams dito.
Is this Father Manny?
ang mga review center n ofcorz d skul 8self dhl qng tlgng hy quality ang way of teaching nla, d na kailangang mgenroll ang mga studnts sa mga review center.