Kumilos nang buong tapang

August 27, 2006 in literary

Ni Aldwin Quitasol

Minsan, o di pa nga ay…nakakatakot isipin,
Baka ikaw rin ang susunod na patayin
Ng mga alagad ng karuwaga’y silang mga salarin
Dahil sa iyong paninindigan at paninilbihan,
Susundan-sundan ka nila’t pagbabarilin.

Sa diyaryo, TV at radio, ikaw ay gugulantangin
Mga balita tungkol sa mga pinatay na aktibista,
Lider masa, sunud-sunod, halos araw-arawin

Siguro nga, at ganun talaga, sa pagsisikap na tayo’y sindakin
Ngunit, oo nga at tayo’y kinakabahan
Dahil anumang oras tayo’y susugurin
Kailangang umusad, kumilos nang buong tapang
Dahil ang sambayanan ay gutom pa rin. #

Share