Poetry: Nais ni Juan
< 1 MIN READ
Ni ESTHER MILAN
www.nordis.net
Kasabay ng nakabibinging katahimikan
Sana ay inyong marinig ang musika
Ng taong may pagmamahal
Masaya, ngunit may kalungkutan…
Kasabay ng tawanan at halakhakan
Sana ay inyong mawari ang tuwa
Ng taong may sama ng loob
Kasiyahan ngunit may pagdadalamhati…
Kasabay ng pagbagsak ng luha sa kandila
Sana ay inyong maramdaman ang paso
Ng taong nawalan ng pag-ibig
Nalulumbay, humimlay. #
(Si Esther Milan ay mag-aaral ng Bonifacio Elementary School ng Guisad, Lungsod ng Baguio. Siya ay nasa ika-4 na baitang.) nordis.net
