Advocate's Overview: Pasko ng pagbibigayan at pagmamahalan
By ARTHUR L. ALLAD-IW
(Can-aw Michelle Allad-iw, my grade four daughter, is guest for the advocate. Her piece was re-printed from Damag, the official Tagalog publication of the Elementary Department of Easter College.—Ed)
Papalamig na ang simoy ng hangin. Palatandaang paparating na ang Pasko. Unti-unti na ding nararamdaman ang init ng diwa ng Pasko.
Pero ano ang kahulugan o diwa ng Pasko?
Ang Pasko ay taung-taon selebrasyon bilang paggunita sa kapanganakan ni Jesus Christ tuwing Disyembre 25 kada taon. Ang Pasko rin ay sagisag ng pagbibigayan, tulad ng ginawa ng tatlong hari na nagregalo kay Jesus.
Ang Pasko ay naging simbolo ng pagmamahalan at pagbibigayan hanggang ngayon. Sa aking palagay, ang diwa ng Pasko ay kailangan isagawa sa kani-kanilang pamilya, paaralan at pamayanan. Hindi lang sa pagtanggap at pagbibigay ng materyal na bagay o pera. Kundi lalung-lalo na sa tunay na pagpapakita ng pagmamahal. Tulad ng pagmamahal at pagrespeto sa kaibigan, magulang, guro at tunay na lider ng bayan. Sana, ang diwa ng Pasko ay ating isagawa hindi lang sa kapanganakan ni Jesus Christ, kundi sa buong kapanahunan ng ating buhay.
Ang pagmamahalan at pagbibigayan ang tunay na diwa ng Pasko. Nawa’y maligaya ang Pasko nating lahat, lalung-lalo na sa ating mga guro na laging nagtuturo, hindi lang ng kaalaman, kundi ng kagandahang asal – tulad ng tunay na diwa ng Pasko.
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa Ating Lahat. #
