Tula: Ang nakaraan

January 25, 2009 in general, literary

By MARV BOAC TERCEÑO

Ano kaya ang aking nakaraan,
Sa libro ko na lang ba ito makikita?
Makikita ko nga ba ito sa bayan ko?
Sa paaralan ko nga ba eto malalaman?
Ano nga ba ang nasa loob nang kada istorya,
Kung bakit tayo nabuhay sa lupa kung saan tayo isinilang?
Kailangan nating pag-aralan ang ating mga bayani,
Kung sino sila at ang ibig sabihin nang tunay na bayani.
Marami pa ring ganyan ngayon,
Kung saan dapat makita ang sakripisyo na ginagawa nila.
Ipinaglalaban ang karapatang pantao,
Saan man o kailan man ang dumating.
Ito ay ang ating lupa,
pangalagaan ang bayan sa mananakop. #

Share