Ang PULIS NG LALAWIGAN

August 15, 2006 in general, human rights, indigenous, NL general, politics, situationers, urban poor

Ang kapulisyahan at sandatahang lakas ng Kalinga ay patunay lamang ng kawalanghiyaan ng administrasyon. Lagi nilang sinasabi ang mga salitang “tignan namin“. Ang kailangan ng bayan ay hindi ang mga matang napipiringan ng kamangmangan at nasisilaw sa sinag ng pera at kapangyarihan hanggang sa sila ay mabulag sa katotohanan.

Sa bayan ng Kalinga, ang Pulis ay takot at mahina. nagtatapangtapangan lamang kapag lango na sa alak. Ano nga ba ang serbisyong nagawa na nila? Mabibilang po sa daliri ng kamay ang mga kasong naayos nila. Mga kaso ng pagpatay. Ngunit lampas pa sa daliri ng kama at paa ang mga taong nabibilang kung aantayin ang kanilang pag–imbestiga. Hindi rin naman naayos at sa huli ay nakalimutan na ang mga pangyayari.

Ito ang dahilan kung bakit mayroong tribal war doon. ngunit ang nakakatuwa ay alam na alam na agad ng mga tao kung sino ang maygawa ng krimen lalo na kung ito ay may koneksyon sa mga hidwaan ng mga tribo… At alam din ng mga tao kapag hindi na ito konektado sa tribal war…………

Ang mga pulis at mga sundalo sa Kalinga ay palamuti lamang ng gobyerno. Isang halimbawa nito ay ang pagpaslang kay Ginoong Agustin Baglinit ng Damsite, Tabuk, kalinga.Sa Calanan po ay may detachment ang mga sundalo ngunit tila pagpapasarap nga lang ang nalalaman ng mga nilalang na ito na naturingang guwardiya ng Administrasyon este ng mamamayan.

Ayon sa mga testigo ay may mga armadong kalalakihan ang pumasok sa resort ni G. Baglinit at tinangay siya. Pagkaraan po ng ilang araw ay natagpuan ang kanyang bangkay sa labas ng lalawigan. Ang masasabi ko lang po ay pinuno po ng gobyerno ang lalawigan ng Kalinga ng mga sundalo at pulis ngunit patuloy pa rin ang mga ganitong pangyayari. Hindi ang mga armadong “goons” este sundalo at pulis ni Arroyo ang kailangan dito. Hindi kailangang dagdagan ang mga walang pakinabang na nilalang sa Kalinga. Ang kailangan ay alisin ang nakaupo ngayon na pinuno ng republika. Kapag patayan ang nagaganap sa Kalinga, malamang Open and Close case po ang babagsakan. “Close” kasi hindi matunton o kaya ay wala nang planong tuntunin pa ang mga maysala.

Ang sabi ng isang sundalo ay nagpledge of allegiance daw po siya sa GOBYERNO!!? MALI PO ANG INYONG KONSEPTO GINOONG PULIS AT GINOONG SUNDALO.. NANG NAGPANATA PO KAYO SA WATAWAT AY NAGPANATA PO KAYO NA PAGSILBIHAN ANG BAYAN AT HINDI ANG ADMINISTRASYON!! ANG NAGPAPAKAIN PO SA INYO AT NG INYONG PAMILYA AY HINDI ANG GOBYERNO KUNDI ANG BUWIS NA HALOS IKAMATAY NI JUAN DELA CRUZ… PAWIS, LUHA AT DUGO NA PINAPALITAN NIYO NGA PAG IIMBOT SA MARALITANG PILIPINO…Ito po sana ay kapulutan ninyo ng aral. Mga sawimpalad na hindi malinaw ang daang tinatahak.
Ni Jodea Pearl , “STOP THE KILLINGS!”

Share