Tula: Si Tatay Amor
August 26, 2012 in Featured, literary
Ni SNAP MABANTA
Setyembre ng nakaraang taon, una kitang nakita
Suot mo ang damit na gula-gulanit, marusing at kulay ay halos mabura sa luma
Sa gitna ng pila, walang patid kang nagsasalita
Ika nga ng iba, makulit, kasehoda nag-uulyanin, di maintindihan iyong winiwika
Sa pananalasa ng hagupit ni Pepeng madami ang natumba
Di lang ang mga puno sa parang , kundi higit at pinakamahalaga
Natumba ang mga kabahayan, kabuhayan at pangarap ng mga taong umaasa
Umaasang baling araw, buhay nila ay maging kasiya-siya
At dahil nga sa paghahanap ng mga matutulungan
Ikaw ay nakita, sa pila ikaw ay nasa unahan
Sa akin ay lumapit at nagtanong, “Ne, saan galing iyan”
At sumunod ang mga kuwentong walang patid at tila walang katapusan
Nagdaan ang taon at tila ikaw ay nakalimutan
Di man lang sumagi sa isip, di man lang naalala maski iyong larawan
Hanggang sa sumunod na taon at malakas na ula’y muling nanalasa
Sa parehong lugar, matinding unos muling nabalita
At sa aming muling pagbabalik, Taglay ang layuning makatulong sa kapwa
Sa gitna ng pila, muli kitang nakita, Payat, malamlam ang mga mata, at buhok ay halos puti na
Umagaw ka ng atensiyon sapagkat muli ika’y lumapit
Nagtatanong, makulit taglay ang pag-asang matulungan ka
Sa aming pag-uwi marami ang katanungan
Subalit sa isip ko’y ayaw kong sagutin ‘pagkat kapalit nito ay ibayong kalungkutan
Kalungkutang matanto ko na sa ating dalawang beses na pagkikita
Dahilan ay unos, bukas na palad hindi upang magbigay kundi manghingi habang walang kakayanan
Sa ating pagkikita, buhay mo’y walang pagbabago, mahirap, sa konting unos hanap ay PAGLINGAP
Ikaw ay larawan ng marami pang sa kahirapan ay sadlak
Ikaw ay larawan ng kahinaan ng ating pamahalaan
Sa ating muling pagkikita, nanatili kang mahirap, at sa konting unos hanap ay paglingap…
Tatay Amor! #
This poem is written in dedication to Tatay Amor of Brgy. Panducot, Calumpit. Bulacan who I met for the second time during the NCCP Relief Operation in the place. During our second meeting, I saw no changes in his life. Still saddled in poverty and vulnerable to calamities and typhoons, the writer claims that Tatay Amor is a complete picture of our present government’s failure to address poverty and hunger despite of his economic agenda on poverty.
Recent Comments