Crossroads: Nag-level up na ang wheelchair!
May 27, 2012 in columns, Featured, opinion
By MARY LOU MARIGZA
www.nordis.net
That was one drama we missed last Tuesday when the CJ went to the impeachment trial in the Senate. We were on the road but fortunately had the radio to listen to but of course it pales in comparison to watching it on television. Of course the telenovela is never more beautiful than on television. It is like you are watching basketball on radio. Not half the fun, especially if the commentators do not provide enough background.
So we tried to watch as many replays as we could. But one thing stood out – naglevel up na ang wheelchair. Sobrang level up na ang mga wheelchair sa Pilipinas! It used to be that wheelchairs were for those who are really infirm and could not walk due to paralysis. Pero ngayon ang wheelchair ang palusot ng mga big time plunderers. At hindi lang wheelchairs, pati ospital na ngayon. Pag ayaw humarap sa korte, nagdadahilan itong mga krim#@&! na sila ay may sakit. Bakit kung maliliit na isda, kulong agad. Sila, ospital na may aircon (ayan, ha wala daw aircon sa bahay!) 24 oras ang bantay, may press con pa. Kulang na lang talaga neck brace. Pati nga neck brace ay level up na din.
Maaawa pa ako sa talagang maysakit. Doon sa mga ipinapasok sa mga pampublikong ospital dahil wala silang pera at todo kayod maghanap ng ipambabayad dahil wala na ngang subsidyo ang pangkalusugang kagalingan. Doon sa mga kailangan pang magbenta ng mga ari-arian para lang maipagamot ang mga kapamilyang maysakit. Sa mga ipinapasok ang mga kamag-anak sa mga huling sandali na ng kanilang buhay para lang mapahaba pa ito. At lalo na doon sa mga maysakit ng mga sakit gaya ng TB na madali na sanang gamutin may pera ka lang.
Maaawa pa ako sa mga nanay na kailangang manganak sa ospital pero dalawa sila sa isang kama, ang mga gamit nasa ilalim ng kama. Maaawa pa ako sa mga nagkakasakit ng dengue pero sa koridor na lang ng ospital nakaswero dahil wala nang espasyo sa ospital. Maaawa pa ako doon sa mga natutulog na sa labas ng emergency room na nagbabakasakali na merong mababakanteng kama para sa kanilang maysakit.
Tapos ipapribatisa pa daw ngayon ang mga pampublikong ospital. Ang saklap naman ng buhay ni Juan at Juana de la Cruz, lagi na lang lugi, lagi na lang talunan. Sa halip na dagdagan ang mga district at provincial hospitals para madecongest ang mga regional hospital, binabawasan pa ang badyet para sa DOH. Samantala ang mga nangungurakot ng kaban ng bayan, garapalang nag-iinarte at maluwag ang trato sa kanila ng mga hukuman.
Ang kalbaryo ni Juan at Juana de la Cruz ay lalong nadadagdagan ng mala-telenovelang drama/komedya ng ating proseso ng hustisya. Hindi lamang sa kaso ni GMA, Corona, Gen Garcia ito makikita. Mahigit isang taon na ang pagmasaker sa mga inosenteng taga-midya at nagkataong napadaan lang sa tambang ng mga Amptuan sa Maguindanao. Napakabagal ng usad ng kaso sa ganoong kagrabe na krimen.
Whatever the verdict will be, the Filipino people would have gained valuable lessons in the processes of our justice system.
JESSICA SANCHEZ. Once more, a Filipino proved to the world we can really sing and sing with gusto even at a young age. We wish Jessica success in her singing career even as she lost to a WGWG (White guy with guitar). We hope she joins the musical theater circuit since the London cast of Miss Saigon seems to be our last batch of singers on world musical stage. Her duet with Jennifer Holliday reminds me of the wish granted to Susan Boyle who also got to duet with her idol, Elaine Page. Again, congratulations to Jessica Sanchez. Unsolicited word of advice: Please learn some OPM and Pilipino classics to warm our hearts. # nordis.net
Recent Comments