Pananakot at panggigipit sa magsasaka sa Isabela, kinundena

Ni DEO MONTESCLAROS
www.nordis.net

Santiago City, Isabela – Kinondena ng Danggayan ti Mannalon ti Isabela (Dagami) ang pananakot at pangigipit ng 86th Infantry Battalion sa mga kasapi nito sa Dicamay 2 sa bayan ng Jones sa probinsyang ito. Ayun sa grupo, kasalukuyan ang operasyon ng nasabing yunit ng Philippine Army sa barangay.

Ayun sa ulat ng lokal na tsapter ng Dagami, hinaras at pinagbantaan na kukunin ng mga tropa mula sa 81st IB si Divina Balanon, lider ng Dagami at kasakuyan ingat-yaman ng barangay. Inaakusahan itong numero unong tagasuporta ng New People’s Army ng mga military.

Nanawawagan ang organisasyon ng magsasaka na itigil ang militarisasyon, pag-aakusang terorista sa mga ligal na organisayon, pananakot sa mga komunidad at pang-aabuso sa karapatang pantao. Dagdag pa ng grupo na ayun sa tinatakda ng batas ng digma, nararapat lamang na palayasin ang militar na nakakampo at nagsasagawa ng operasyong-militar sa mga komunidad. # nordis.net

Share

Leave a Reply