Paglabag sa karapatang pantao, patuloy

Ni NORWIN GONZALES
www.nordis.net

BAGUIO CITY — Nagpapatuloy ang paglabag sa karapatang pantao ng Cagayan Valley sa ilalim ng 86th Infantry Battalion (IB).

Matapos ang labanan umano sa pagitan ng 86th IB at ng New People’s Army ay ang mga residente ng Brgy. Disulap, San Mariano, Isabela ang pinagbuntunan ng mga sundalo.

Kasama sa mga paglabag ang: 1) iligal na paghalughog sa mga kabahayan, 2) pagpapahilera sa mga kalalakikan upang paamining may kaugnayan sila sa NPA, 3) paglabag sa domicile, 4) pagtutok ng baril sa mga sibilyan, at 5) walang-habas na pagpapaputok.

Ang 86th IB ay ilang beses nang nasangkot sa mga paglabag sa karapatang pantao sa rehiyon. 

Noong Agosto 2017 ay pinaslang ng mga sundalo ng 86th IB ang magkapatid na magsasaka at mangangaso na sina Rolito at Rogelio Mendoza sa Brgy.Cadsalan, San Mariano.

Sapilitan nilang kinuha ang magsasakang magpinsan na sina Molina at Dalupang mula Brgy. Diasan,Echague noong Nobyembre 2017.

Dalawang nakalayang bilanggong pulitikal na sina Rene Boy Abiva at Virgilio Corpuz ang sinampahan nila ng gawa-gawang kaso noong 2012.

“Ang pananatili ng mga sundalo sa lugar ay nagdudulot ng takot sa mga residente at nagre-resulta ng paghaba ng listahan sa paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan,” sabi ng pahayag ng Karapatan – Cagayan Valley. # nordis.net

Share

Leave a Reply