Crossroads: Sasainnek dagiti mangngalap

Ni MARY LOU MARIGZA
www.nordis.net

Iti napalabas a dua nga aldaw idi Lunes ken Martes, nakiatendarak iti Summit dagiti Mangngalap ti Region 1. Adu dagiti arungaingda. Adu dagiti kaya da nga idatag kadagiti otoridad tapno lumung-awda met koma iti kinakurapay.

Naggapu iti uppat a probinsya dagiti timmabuno: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan ken Zambales (kayat da ti makisilpo iti tignayan dagiti mangalap).

Adu dagiti naibingayda a kasasaadda iti napalabas ken agdama. Adda met dagiti balligida iti panagtignayda tapno makaala ti sangabassit a benepisyo. Ngem ad-adu dagiti problemada ken arungaingda.

Malaking problema nila ang kawalan ng suporta ng gobyerno sa pangisdaan. Kakarampot na nga ang suporta, marami pang naipapataw na buwis sa kanila: lisensya ng color-coded na bangka, lisensya sa barangay, sa munisipyo, sa probinsya, lisensya sa nahuli, lisensya sa pagtitinda, multa rito at multa roon.

Pag dumadating ang mga trawler, wala silang magawa sa pagwasak ng mga buli-buli sa kanilang mga kagamitang nakalutang sa dagat. Walang magawa maski ang Coast Guard sa paghuli sa mga trawler na nangingisda sa mga municipal waters. Armado ang mga pahinante ng mga trawler kaya natatakot silang gumawa ng aksyon. Baka resbakan sila.

Nitong huli, may mga malalaking barko ng Taiwan at Vietnam na nangingisda sa West Philippine Sea. Kakompetensya na naman sa tonetoneladang huling isda. Ang uwi nila di pa aabot ng tatlong kilo. Paano makikipagkompetensya ang mga maliliit nilang bangka?

Humihingi sila na mabigyan ng ayuda lalo na sa kalamidad. Nasisira ang mga bangka, lambat, gamit pangisda. Hindi pa sila naaambunan ng grasya para mapalitan ang mga ito. Humihingi sila ng insurance para sa panahon ng kalamidad. Kailangan nilang mas murang mabili ang mga gamit pangisda, kasama na ang gasolina para sa motor boat.

May mga ulat sila hinggil sa “slags” galling sa Taiwan na ginagamit sa mga reclamation projects sa Ilocos Norte. Bagama’t sinasabi ng mga otoridad na hindi ito toxic, nagdulot na ng pinsala ang mga ito gaya ng polusyon, pagkamatay ng yamang dagat at maruming tubig. Naireport na raw nila ito sa probinsya pero walang nangyaring pag-aayos rito.

Kumokonti na ang nahuhuling isda o lamang dagat. Kailangan na nilang ibayo pang pumalaot para makakuha man lang ng isang kilong isda na mas gastos naman sa gasoline. Mas lumalakas ang mga bagyo at hanging dagat. Hindi sila makapalaot ng matagal na panahon. Bukod pa rito, marami nang fishing ban ang naipapakat ngunit hindi naman hinuhuli ang mga malalaking trawler at dayuhang barko na nanghuhuli ng isda kapag may fishing ban.

Dehado ang buhay nila. Walang laban ang maliliit sa naglalakihang barkong pangisda. Hinihingi pa nilang mabigyan silang mga organisasyon ng mangingisda ng libreng pwesto sa palengke para bawas sa gastusin. At para rin hindi na maglako pa sa kalsada ang kanilang mga asawa at anak.

Bukod pa rito, ang mga bagong proyekto ng gobyerno ay magpapalayas sa kanila sa mga baybayin. Ang mga naglalakihang mga resort na nagbabawal sa kanilang magdaong sa beach, ang mga reclamation projects para sa mga baywalk at esplanade, ang mga marine protected areas kuno pero pabor sa mga bisnis ng resort maliban pa sa di mapahintong pagtatapon ng basura at waste matter ng mga resort.

Malaking hamon sa mga mangingisda ang pagkakaroon nila ng organisasyon na magtataguyod sa kanilang mga interes. Malayo ang kailangan nilang abutin para himukin ang iba pang mangingisda na magbuklod para maipatupad ang mga reporma sa pangisdaan. Madami pa ang kailangang ipatupad na tungkulin para ang komon na pangisdaan at kagalingan ay maisagawa. # nordis.net

Share

Leave a Reply