Crossroads: Never forget Martial Law!

By MARY LOU MARIGZA
www.nordis.net

The gongs of war are beating. The threats of a declaration nationwide for martial law are drumming. Di pa nakontento sa Mindanao wide martial law at pagpulbos sa dating magandang Marawi, nagbabadya ang pagdedeklara sa buong bansa. Hindi na ito bago at sa ating nahasa sa pakikibaka sa lansangan, isa itong laban na di natin lulubayan.

Noong eleksyon, isinigaw nating di natin papayagang bumalik ang mga Marcos sa Malakanyang. Mukhang naipanalo natin ang panawagang ito. Pero mukhang me mahikang ginagawa at posibleng maitsepuera ang hinalal na bise. Tambol ng tambol ang gangsa ng digma. Sunod na tinitira ang Korte Suprema. Tapos nagpapahaging ng Constitutional Change.

Mukhang hindi natututo ang mga nasa palasyo at mga naka-aircon na opisina ng mga otoridad. Na sa bawat gusto nilang isalaksak sa taumbayan, haharap at haharap sila sa lumalawak at lumalalim na pagkontra sa mga kaulolan nila.

Sinubukan na ito noong panahon ng nagdaang rehimen gaya ni Ramos, Arroyo. Nagtambol sila ng nagtambol ng ConCon, Con-Ass at kung ano pa. Sinalubong sila ng malakas na pag-aalsa ng mga mamamayan. Di natuloy. At kung inaakala ng bagong dispensasyon na makakapanlinlang pa siya, hindi na oy! Matalino ang taumbayan.

At bilang pag-alala sa hinagpis at pakikibaka laban sa martial law, hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang isang popular na tono hinggil sa rebolusyon:

DI NIYO BA NIRIRINIG?
(Do You Hear the People Sing from Les Miserables by Schönberg/Kretzmer)

Di niyo ba naririnig?
Tinig ng bayan na galit
Himig ito ng Pilipinong
Di muli palulupig
Dudurugin ang dilim
Ang araw ay mag-aalab
At mga pusong nagtimpi
Ay magliliyab
Ikaw ba’y makikibaka
At hindi maduduwag
Na gisingin ang mga panatikong bingi’t bulag
Kasinungalingan labanan hanggang mabuwag
Di niyo ba naririnig?
Tinig ng bayan na galit
Himig ito ng Pilipinong
Di muli palulupig
Dudurugin ang dilim
Ang araw ay mag-aalab
At mga pusong nagtimpi
Ay magliliyab
Ikaw ba ay dadaing na lang
Kimi’t magmumukmok
Habang nagpapakasasa
Ang mga trapong bulok
Gisingin ang puso
Galitin hanggang pumutok
Di niyo ba naririnig?
Tinig ng bayan na galit
Himig ito ng Pilipinong
Di muli palulupig
Dudurugin ang dilim
Ang araw ay mag-aalab
At mga pusong nagtimpi
Ay magliliyab!
Magliliyab!
(Filipino Translation by Vincent de Jesus / Additional Lyrics by Rody Vera and Joel Saracho)

Never again to Martial Law! #nordis.net

Share

Leave a Reply